Movie Stars   >   Sharon Cuneta   >   Forum
Sharon Cuneta photo
Sharon Cuneta

Sharon Cuneta Forum

AnO dAw? (Sat May 10, 2008 5:05pm ET)IP: 7c6a73b4 | report post
by vina
.............. ha? ngayon lang nya na realize eto? ha ha ha, the height of hypocrisy. Dahil may pelikula sya na CareBuyer, este -giver, eh saka sya nagkarespeto sa mga OFW, grabe ang kaipokritahan ng babaeng eto. eh kung hindi pala nya ginawa ang movie na eto, eh deadma lang sa kanya ang mga OFW? tsk tsk, tapos eh gamitim bang gimik ang torrid(?!) kissing scene with john e.! kala ko ba si gabby at christopher lang ang may karapatang humalik sa kanya. tsk tsk, ang mga laos nga naman, gagawin ang lahat, gigimik at kung ano ano pa kumita lang ang pelikulang di malaman kung kelan magsoshoot at kelan ipapalabas.tsk tsk tsk yon lang. bukas kaya ano naman ang gimik nyang idolong matrona at ham?

-----------------------------

by Enteng
Sharon Cuneta has newfound respect for OFWs in "Caregiver"

Comment on this...
Re: AnO dAw? (Sat May 10, 2008 7:31pm ET)IP: 0c08b102 | report post
by sha sha sha
isa kang malaking "B"!

BOBITA TO THE MAX!

AY DI NA KITA PAPATULAN PROMISE!
Comment on this...

Paalam (Sat May 10, 2008 4:55pm ET)IP: d809fa23 | report post
by Gary
Was originally recorded by Basil Valdez and was remade by Regine Velasquez for her Covers album.
Comment on this...

article (Sat May 10, 2008 2:13pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
www.philstar.com

Sharon mas naging humble
SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin
Sunday, May 11, 2008

Ilang eksena pa lang ng Caregiver ang nasisilip namin, pero ngayon pa lang ay buo na sa aming isip ang isang plano na paglalaanan namin ng panahon ang pinakabagong pelikulang pinagbibidahan ni Sharon Cuneta, panonoorin namin ang obrang ito ni Direk Chito Roño.

Naniniwala kami sa mga kuwento ni Sharon na mas naging mapagkumbaba siya nang dahil sa pelikulang ito. Ang maliliit na reklamo’y hindi na lang niya pinapansin, dahil maraming mas malalaking problemang dinadala ang mga OFW’s sa iba’t ibang bansa na kinaroroonan nila.

Ikinumpara niya ang mga sakripisyong yun sa kagustuhan niyang pumayat. Dati kasi’y wala namang problema kung malusog ang katawan ng babae, pero kung bakit ngayon ay parang isang malaking krimen na ang hindi pagiging sexy, tanggap na ngayon ni Sharon kung hindi man pang-sexy ang kanyang katawan.

Ayon sa megastar ay napakaliit lang pala ng kanyang pinoproblema kumpara sa mga dinadalang problema ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Pinoproblema mo ang pagda-diet, pero makakakita ka ng mga taong walang-wala pala sa kalingkingan ng mga problema nila ang problema mo. Maiisip mo na lang, magtigil ka nga! Kung anu-ano ang inirereklamo mo, e, heto ang ibang mga tao, mas matitindi pa ang mga dinadalang problema, pero nagtitiis at nakikipaglaban pa rin sila,” kuwento ng megastar.

Caregiver ang usong tawag ngayon sa mga nag-aalaga ng matatanda sa ibang bansa. Pinagandang termino lang yun sa salitang katulong. Umiikot ang kanilang buhay sa pag-aalaga ng mga banyaga na ang karamiha’y masusungit pa, napakababa ng tingin sa mga nagsisilbi sa kanila, ganun mismo ang ikot ng kuwento ng Caregiver ng Star Cinema.

Ilang kaibigan na naming nakapanood ng trailer ng Caregiver sa mga sinehan ang nagsabing sa unang araw pa lang ng pagpapalabas ng pelikula ay manonood na sila.

“Ang ganda-ganda ng mga eksena, ang ganda-ganda rin ng texture ng movie, makikita mo pa ang magagandang lugar sa London kung saan nila ginawa ang pelikula. Paghahandaan na namin ang Caregiver, hindi kami papayag na puro kuwento lang ang maririnig namin tungkol sa movie.

“Mas gusto naming maka-relate sa kuwentuhan at mas maganda kung kami ang magkukuwento at hindi basta makikinig lang,” kuwento ng aming mga kaibigan.

Napakaganda ng pagbabalik-pelikula ni Sharon Cuneta, matagal man siyang hindi napanood, sa kanyang pagbabalik naman ay isang makabuluhang proyekto ang pinagbibidahan niya.

Ang Caregiver ang materyal na gustong gawin ng magagaling nating artista, kapag napanood ni Governor Vilma Santos ang pelikulang ito ay siguradong sasabihin ng aktres-pulitiko, sana’y ganun ding proyekto ang matiyempuhan nito.

* * *

Hanggang maaari ay ayaw nang pag-usapan pa ng megastar ang ama ni KC Concepcion. Mahirap na nga naman, baka sabihin pa ng kampo nito na ginagamit niya ang aktor, samantalang napakagandang behikulo para mapag-usapan siya ang merito ng Caregiver.

Habang nagkakagulo ang buhay at career ni Gabby Concepcion ay mas gustong tutukan ni Sharon ang promo ng kanyang pelikula, ito ang pelikulang ayon sa megastar ay nakapanghihinayang kung hindi mapapanood ng ating mga kababayan, dahil mapuso ang pelikulang ito.

“Kung 100 percent na nating sinasaluduhan ang kagitingan ng mga OFW, pagkatapos nilang mapanood ang movie na ito, 1,000 percent na nilang hahangaan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa,” papuri pa ni Sharon sa kanilang pelikula.

Sa pagbibiyahe namin ay sadya kaming dumadalaw sa mga ospital at nuring homes na pinagtatrabahuhan ng ating mga kababayan. Ilang beses na ba naming nasaksihan kung paanong pinagsusungitan ng mga banyaga ang mga kababayan nating nag-aalaga sa kanila?

Pero nilulunok ng mga Pinoy ang ganung kalakaran, kailangan nilang magtiis, dahil sa matinding pangangailangan ng mga mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas na sa kanilang kinikita lang umaasa.

Pero sa kabila nun ay napapamahal pa rin sa ating mga kababayan ang mga inaalagaan nila, ganun kapuso ang ating lahi, kaya mabenta tayo sa ibang bansa.
Comment on this...

article (Sat May 10, 2008 2:09pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
www.journal.com.ph

HOT N' SPICY
PARA kay Sharon Cuneta, puso at kaluluwa ang in-invest niya habang ginagawa ang pelikulang Caregiver. Kaya nga ang feeling daw niya ngayon, she’s representing caregivers all over the world dahil sobrang naapektuhan siya ng pelikula.

Kaya huwag na raw tayong magtaka kung sa promo ng movie ay maging emosyonal ang Megastar dahil na rin sa rami ng natutunan at na-realize niya after doing the film.

For one, ngayon daw niya na-realize kung gaano kahirap ang malayo sa pamilya tulad din ng nararanasan ng ating mga OFW.

Kung siya nga, three weeks lang sa London, pero parang mamamatay na sa pangugulila sa pamilya, paano pa kaya ang ating mga kababayan na taon ang binibilang?

Sinisigurado rin ni Megastar na hinding-hindi siya mapapahiya sa lahat ng manonood ng Caregiver dahil sobrang ganda ng movie.

We believe her dahil bukod sa kanya, plus factor ng movie na idinirehe ito ng renowned na si Chito Roño.

Another thing, this is Sharon’s comeback matapos mamahinga ng apat na taon sa paggawa ng pelikula, kaya naman sinigurado rin ng Star Cinema na best project ang ibigay sa kanyang pagbabalik-pelikula.

Ngayong Sunday ilulunsad ang full trailer ng Caregiver sa ASAP ’08, The Buzz at Sharon. Ipalalabas naman ito sa May 28 at magkakaroon ng world premiere before the showing.

Ito ang handog ni Sharon sa mga tagahanga sa kanyang ika-30th year sa showbiz at 15th anniversary offering naman ng Star
Comment on this...

May 11 2008..Sharon Cuneta Day.. (Sat May 10, 2008 1:58pm ET)IP: cb73af19 | report post
by Ashley
Declared by ABS-CBN/Star Cinema..
Exactly 1:00 AM na dito Philippine time..

Abangan na ang Full Trailer ng Caregiver sa Asap '08, The Buzz at ang Mother's Day Presentation ng Sharon Show..!!

Sarap Matulog ng puro good news nababasa at nakikita mo..!!

Kita-kits ng lahat ng Sharonians sa ASAP bukas..!!Ingats Lahat..!!

Goodnight and Sweetdreams...!!
Comment on this...

@Enteng (Sat May 10, 2008 1:52pm ET)IP: cb73af19 | report post
by Ashley
Salamat sa mga Articles..!!
Ang DAMI talaga grabe..!!
Comment on this...
Re: @Enteng (Sat May 10, 2008 2:05pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
Sinabi mo pa. Ang dami daming articles Smile

Ibang klase talaga pag si Mega ang pinag-uusapan
Comment on this...

article (Sat May 10, 2008 1:40pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
SUNDAY, May 11, is Sharon Cuneta day at Star Cinema.
By: Nel Alejandrino
Sisimulan na kasi today ang promotions para sa pinakabagong movie ni Sharon, Caregiver, na karamihan sa eksena ay kinunan sa London.

Watch kayo ng ASAP ’08 at The Buzz and be a witness as to why Caregiver has been chosen by Star Cinema para maging 15th anniversary offering ng kumpanya.

“Isa na ito sa puwede kong ituring na pinakamaganda kong movie,” ani Sharon mismo. “Panoorin n’yo at malalaman n’yo kung bakit.”

In Caregiver, bibigyang buhay ni Sharon and papel ni Sarah, isang guro na nagdesisyong umalis papuntang ibang bansa para makipagsapalaran para sa kanyang anak.

Mapapanood sa movie ang masayang pakikipagsapalaran ng isang overseas Filipino worker (OFW) at kung ano ang naging impact ng kanyang pagkawala sa kanyang pamilya.

First time na makakapareha ni Sharon si John Estrada sa movie. The rest of the cast includes Rica Peralejo, Monique Wilson, Jhong Hilario, Marita Zobel, Lotlot de Leon, John Manalo, Mickey Ferriols, Boots Anson-Roa, Makisig Morales at Direksiyon: Chito Roño.
Comment on this...

Entertainment Live.. (Sat May 10, 2008 1:38pm ET)IP: cb73af19 | report post
by Ashley
Nabanggit kanina ni Sha as EL habang ini interview siya ni Toni na may NILULUTO na ang Star Cinema na movie for SHA at ang MAKAKASAMA niya ay ang artistang nire respeto niya ng HUSTO..!!

Sabi ng iba kasi baka yun yung reunion movie nila ni Aga..!!Sabi naman ng iilan eh baka yung kay Ate Vi..!!

Hayzz Abangan na lang nating LAHAT yun..

Caregiver muna tayo mag focus..!!
Comment on this...

article (Sat May 10, 2008 1:28pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
It’s Sharon Cuneta Day tomorrow
By : Edgar O. Cruz | Entertainment Editor
10 May 2008 | 10:04 AM

Tomorrow, Mother’s Day, Megastar Sharon Cuneta leads the celebration of Sharon Cuneta Day which will be a day-long celebration in ABS-CBN, particularly in “ASAP 08,” “The Buzz” and “Sharon!” This kicks off the double celebration in connection with the release of her latest starrer, “Caregiver,” mainly shot in London. This Chito Rono-directed film will be the Megastar’s 30th anniversary in showbiz movie offering and Star Cinema’s 15th anniversary release. The full trailer of “Caregiver” will be launched in “ASAP 08” with non-stop spots on her. The highlights of her 30 years as an icon will be featured in “The Buzz.” Daughter KC Concepcion will interview her mom in “Sharon!” Sharon has not appeared in a full-length feature for four years. “Caregiver” is her comeback movie. It opens nationwide on May 28.
Comment on this...

article (Sat May 10, 2008 1:27pm ET)IP: 18cd06ee | report post
by Enteng
Sharon muntik masiraan ng ulo sa London
By: Leo M. Bukas
FOOTLOOSE
MINSAN Minahal Kita. Kung Ako Na Lang Sana. Madrasta.

Lahat matatagumpay. Lahat box-office hits. Ito ang markang Star Cinema at Sharon Cuneta.

Ngayon, sa 30th year sa showbiz ng nag-iisang Megastar, ipinagmamalaking ihandog ng Star Cinema ang pagbabalik ni Sharon Cuneta sa isang hindi malilimutang pagganap sa Caregiver.

Pagkatapos ng apat na taon, muli na namang mapapanood sa big screen si Sha-ron, sa direksyon ni Chito Roño at handog ng Star Ci-nema para sa kanilang 15th anniversary.

Bibigyang buhay ni Sharon ang papel ni Sarah, isang guro na nagdesisyong umalis papuntang ibang bansa upang makipagsapalaran para sa kanyang anak.

Sa pag-aalaga niya ng ibang tao, may mag-aalaga naman kaya sa kanyang anak na naiwan sa Pilipinas, at sa kanya mismo na dayuhan sa ibang nasa?

Ilan sa mga makakasama niya ay ang pinakamagagaling na artista tulad nina John Estrada, Rica Peralejo, Monique Wilson, Jhong Hilario, Marita Zobel, Lotlot de Leon, John Manalo, Mickey Fe- riols, Boots Anson Roa at Makisig Morales.

Shot in Manila and in London, isang engrandeng offering talaga ito ng Star Cinema this year.

Tiyak na aabangan ito ng buong bayan kapag ipinalabas na sa May 28.

* * *

SAMANTALA, lalong humanga si Sharon sa mga caregiver mula nang gawin niya ang pelikula.

“Napakahirap. Tumaas ng 1000 percent ang respeto ko sa kanila. Kasi, I actually did everything they did. Sabay ang pagka-proud mo, sabay din ‘yung naaawa ako dahil ‘yung mga nandu’n na wala ‘yung pamilya nila, mahirap ‘yun. Kasi ako, three weeks lang akong malayo sa pamilya ko, para akong masisiraan ng ulo,” kuwento pa niya.

On her Londo experience, heto naman ang nasabi ng Megastar.

“London is the most expensive city in the world. Lahat kami talaga hirap. Sabi ko nga kay Kiko (Sen. Kiko Pangilinan), hindi ako nakakain sa restaurant, parang lagi kaming pabili-bili lang ng take-out.

“For the first time, sa tanang buhay ko, nagka-rashes ako. Sobrang cold ‘yung weather sa London, tapos umuulan. Parang yelo ang lamig.

“During the shooting days sa London, hindi umaabot ng 4-5 hours, laging 2-3 lang. Lamayan tapos travel kami nang travel tapos lipat nang lipat. For the first time sa buhay ko, hirap na hirap akong magtrabaho,” wika pa niya.

Na-miss din ni Sharon ang kanyang pamilya nu’ng nagsyuting siya sa London.

“Hindi ko talaga kaya. First time ko kasi na malayo sa dalawang bulilit ko nang ganu’n katagal. Sobrang nangungulila ako. Sobrang awang-awa ako sa sarili ko. Na minsan, nag-uusap kami ilang minuto, iyak lang ako nang iyak.

“Ako ang tumatawag lagi. Umiiyak din si Miel. Nakaka-homesick. Du’n ko talaga nakita kung gaano kahalaga sa akin si Kiko, kung gaano ko kamahal siya at ang mga anak namin. Gusto ko lang masaya kami, ayoko nang malayo nang ganun katagal,” emosyonal niyang pahayag.

Ano naman ang masasabi niya sa performance niya sa Caregiver?

“Naku, Diyos ko, nakaka-pressure! Basta ako, ganadung-ganado akong magtrabaho ulit. Ang tawag nga namin, eh, akting na akting ako.

“Makikita n’yo po ang pinaghirapan namin. Naiiyak ako kasi parang ang ganda naman ng pagbabalik ko sa pelikula. I’m grateful to Star Cinema. Iba si Direk Chito. Iba siya talagang mag-handle ng mga eksena.

“Sana po talagang abangan ninyo ang pelikulang ito. Mag-iiba ang tingin n’yo at tataas ang paghanga at appreciation sa mga caregivers all over the world,” wika pa ng Megastar.

‘Nga pala, Sharon Cuneta day ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Comment on this...
Re: article (Sat May 10, 2008 1:35pm ET)IP: cb73af19 | report post
by Ashley
WOW ang ganda ng pagkaka describe sa mga naging past movies ni Sha under Star Cinema..!!Madrasta,Minsan,Minahal Kita at Kung Ako Na Lang Sana..!

LAHAT MATATAGUMPAY,LAHAT BOX OFFICE HITS,ITO ANG MARKANG STAR CINEMA at SHARON CUNETA..!!

Matatandaan na sa TOP 20 Star Cinema Movies na nilabas ng Star sa Philippine Star at Inquirer last January 2004 eh 3 movies ni Sharon ang PUMASOK sa TOP 20..!!Ang 3 Movies na yun ay CERTIFIED 100 Million Earners..!!

Kaya positive na positive ang PAKIRAMDAM ko sa Caregiver movie na ito..!!
Comment on this...

Next Page >>
 

Post a new comment

name*:   Remember me

* = required

e-mail:
title*:
comments*:

smileys:
:-)  :-D  :-(

Never include your phone number or address in your comment. Be nice. Please refrain from inappropriate language and personal attacks. We reserve the right to delete your entry without notice. Your IP address is logged. Came across something that you or others might find offensive? Let us know by clicking on the 'report post' link.